... aaminin ko na. Tangina, TAKOT AKO SA MANOK! Tignan mo nga, poster ng sabong ang nilagay at hindi kodak ng dalawang nok-mang nagtutukaan. Actually, hindi lang sa manok. Sa lahat ng feathered animals, buhay o patay basta may feather. Kung dead stuffed feathered animal ka, tangena takot pa rin ako sayo. Ito lang ang mga hindi ko kinakatakutan na animal: feather duster, fried chicken, hainanese chicken, chicken adobo, nilagang manok, sinampalukang manok, ginataang manok, lechon manok, chicken inasal, tinola, at lahat ng puwede mo gawin sa patay na manok o fowl na walang feathers!
Ewan ko ba... bata palang ako takot nako. Alam ito ng mga sampits ko kaya lalo nila akong pinagtri-tripan. Sabi pa nila... paano daw kung naimbita ako sa sabong pag tanda ko. So shemps, natakot ako. Pero nung tumanda ako, naisip ko... EH BAKIT NAMAN AKO PUPUNTANG SABONG?!
Ehemplo ng pagkaduwag: isang araw sa Caliraya, kumakain kami sa isang picnic hut sabay tumakbo sa amin ng mabilis ang isang grupo ng mga chicks [hindi yung mga may boobs ha]. Quick cut to biglang nakatayo na ako sa upuan at pinagtatawan ng mga kaibigan.
Sabi pa nga ng mga kaibigan ko... baka magkaroon ng world peace kapag makayanan kong hawakan ang isang kalapati at pakawalan. Ay, huwag na lang. Ok na sa akin ang ganitong mundo.
Akala ko weirdo nako. Pero sumaya ako nung malaman ko na hindi lang pala ako ang ganito. May mga 3 akong kilala akong takot din sa mga feathered shit. At normal lang siguro to kasi ginoogle ko kung anung phobia eto so eto lumabas... Ornithophobia or the fear of birds. Alektorophobia or fear of chicken [shit]. Ayan. May naimbentong word kaya ibig sabihin madaming tao ang katulad ko.
So ok lang magkaroon ng phobia diba?! Lahat naman may kinakatakutan eh. May takot sa multo... takot sa spiders... sa butiki... daga... cockroach... bakla... biyenan... asawa.
Anyway, theory ng dati kong boss --- baka daw mala Braveheart type of warrior ako sa past life at nung malapit nako mamatay sa field of battle, chinibog ako ng mga vulture. Parang ayoko maniwala kasi duwag ako. Kung may gera, magtatago nalang ako. Teka, chicken ang tawag dun diba?
Data Lengkap Keluaran Togel Singapore Dari Tahun 2001 Sampai 2019 baca selengkapnya di : Keluaran Togel Tahun 2001 Sampai 2019
ReplyDeleteS128
#keluarantogelsgp #keluarantogelsingapura #keluarantogelsingapura2001 #keluarantogelsingapura2018 #keluarantogelsgpterbaru #s128 #daftars128 #s1288 #sabungayamonline #caradaftars128