Friday, May 7, 2010

body boarding sub cult

Taken from my "Random Memories" blog on Multiply and published din sa 1st isyu ng Sprout magazine...


[note: photo taken from http://www.sprout.ph/...
my article is on the magazine under the stack hehehe]


How I caught my first wave as a sponger... That was years ago. Friday. Nag-absent kami sa office ni Ter at pumunta sa "once known as a secret spot hahaha" Pundaquit. Wala pa nga akong fins nun eh. At diko maalala kung kanino ko nahiram board ko. Weather was gloomy kasi may padating o may pa-alis na bagyo. Kaming dalawa lang sa line-up. Wala si Vikoy at wala yung mga Barretto boys. Pero tangena ang laki ng alon natakot ako. So si Tengco pa pina-una ko.Ginawang guinea pig hehe. Anyway, nawala na rin takot ko after a while at lumusong na. Ayun sa sobrang lakas ng alon, kinuha ako kahit walang fins. Parang rollercoaster na pababa ang dating. Drop lang yun dahil shore na ang bagsak. Ayan, stoked for life.

Next day, dumating na ang mga ibang boogie boys - sila Kuya Cis at Warren. Natulog kami dun sa Capones beach resort [everytime may tatawag sa phone --- sasagot ang baklang manager ng "Hello Capones Hello."]. Anyway, inuman kami hanggang sarado na yung Capones kitchen. Eh bitin pa sa inuman. Nag-debate kami kung sino manggigising sa "resort" staff. Nagkakahiyaan pa. Nasa labas lang kami ng pintuan pero inisip pa namin kung kakatok kami at manggigising. Sabi ni Ter, something like "Gab, ikaw na... isang duck-dive nalang yan, andun ka na" Bwahahahahaha. Di ko maalala kung na-accomplish ko mission ko.

No comments:

Post a Comment