Simple lang. Ang "KWAN" ay isang old school word na ginagamit ng mga Noypi kapag di nila maalala yung pangalan ng isang tao o di ma-i-describe ang bagay na tinutukoy nila.
For example:
"Naiinis talaga ako kay KWAN."
"Inday, nalinisan mo na ba yung KWAN?"
"Sino ba ang naniniwala sa KWAN na yan."
"Ilan KWAN ba ang nainom natin kagabi?"
Gets? Ang pinaka-matindi dito ay, naiintindihan ng kausap mo ang bagay o taong tinutukoy mo.
Ayus, ngayon kailangan ko na mag-logout kasi gagawin ko pa yung KWAN ko.
No comments:
Post a Comment