Tuesday, September 7, 2010

rizalista + francism style opm sub cult



What was the greatest thing I've ever written?

90s. Nasa advertising pako nun. My agency was pitching for a bank.

My boss asked me to write a song as part of the pitch and the campaign.

Wrote the jingle all night... didn't sleep.

The words came together at around 6am.

Long story short... we won the pitch.

The song I wrote was part of the pitch.

And the song was commissioned to FrancisM.

He revised the words a bit to fit his style... and he made the music.

The song: Idol Ko Si Rizal for RCBC.

Pang-commercial nga lang ang airplay sa radyo. At hindi umabot sa album niya.

Pero one of the proudest damn moments of my life.

Here's a link to that song... http://gabogabster.multiply.com/music/item/1/Lyrics_by_Gab

Idol ko si Rizal

May kuwento ako sa inyo
mga 'tol, wooh
Kuwento ng isang bayaning Pinoy, hoy
Makinig ka, dinggin
Jose ang kanyang pangalan
At nang siya'y barilin sa Bagumbayan
Nagising sa katotohanan ang ating bayan

Malaya, 'di alipin
Mapayapa't 'di marahas
Kalayaan daw ay walang katumbas
Matapang, 'di duwag
Bayani't may dangal
Panulat ang pinairal ni Gat Jose Rizal

Kadugo, kakulay
kayumangging katulad ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko (x3)

Talino ang sandata nitong makata
Pintor, doktor at guro ng mga bata
Nasa Noli at nasa Fili
lumaban siya hanggang sa huli
Nasa Noli at nasa Fili
lumaban siya

Kaibigan, kapatid,
kababayan nating lahat
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko (x3)

Sana ako
Sana tayo
Tularan ng ating mundo
Tunay na bayani ang taong ito
Lumingon sa pinanggalingan
tumingin sa paparoonan
Mga bagong bayani ng ating bayan

Kadugo't kakulay
kayumanggi, kaibigan
Kapatid at gabay
Bayani ang titulo

Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Jose
kasi siya'y bayani
Idol ko si Rizal

No comments:

Post a Comment